Madalas na nangyayari na kapag binuksan mo ang iyong PC ay nagpa-power on naman subalit walang lumalabas sa screen (No Display), ito ay dahil sa ilang mga problema, maaaring ito ay sa RAM, Video Card, On Board Video Slot, CMOS, Processor, Power Supply, Motherboard, Signal Cables or mismong Monitor problem na. Paano nga ba ito masusolusyunan? Ilalahad ko sa ibaba ang mga paraan kung paano ayusin ang ganitong problema.
1. Check mo muna lahat ng power connections. Maaaring pansamantala ring tingnan kung may problema ang power supply. Na-encounter ko na ito kaya mabisang tingnan na rin. Try mong gumamit ng ibang Power Supply para malaman kung ito nga ang may problema.
2. Tingnan ang mga luwag na kable tulad ng signal cable/VGA Cable. Maaari ring pansamantalang palitan ang VGA cable baka ito ang may problema.
3. Siguraduhing naka-off ang PC. Tanggalin ang RAM, kumuha ng eraser at ito ang gamitin na panlinis sa GOLD plate ng RAM. Pagkatapos ibalik muli ito sa motherboard at buksan ang PC. Kapag wala pa ring display gawin an mga susunod na hakbang.
4. Kung nalinisan na ang RAM/Memory Card at hindi pa rin nagkakaroon ng Display ang Monitor sunod mong gawin ay tingnan naman ang VGA Port (Kung walang Video Card). Kung may Video Card naman, maaari ring linisan ito, Pwedeng gamitin ang WD-40 na lubricant or lacquer thinner sa paglilinis. Siguraduhing patutuyuin muna ng maayos ang video card bago ulit ito ikabit.
5. Minsan din kasing problema ay ang CMOS Battery. Maka-apat na beses ko na itong na-encounter kaya masasabi kong dapat ding tingnan o palitan ang CMOS battery kung ginawa mo na ang Steps 1-4.
6. Tingnan ang motherboard at hanapin kung mayroong mga Bulged/Bloated na mga capacitors. Kapag mayroon, try mong palitan ito kung mayroon kang ganoong katulad na capacitor.
7. Isa pa sa mga maaaring dahilan ng No Display ay ang Processor kaya mainam na tingnan din kung maayos ba ang processor ng iyong unit.
No comments:
Post a Comment